Kasong isasampa laban sa narco-politician, dapat suportado ng ebidensya at hindi wiretapped information

Manila, Philippines – Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi magagamit ang wiretapped information para kasuhan ang sinumang kasama sa narco list dahil ito ay ilegal at hindi tatanggapin sa korte.

Pahayag ito ni Drilon makaraang sabihin ng Malacañang na basehan ng narco list ang wiretapping na ginawa ng gobyerno ng ibang bansa.

Diin naman nina Senate President Tito Sotto III at Senator Koko Pimentel, dapat mga ebidensya na matibay at may kredibilidad ang pagbasehan ng mga kasong isasampa laban sa mga politikong sangkot sa ilegal na droga.


Duda rin si Sotto, na magsasagawa ng wiretapping ang ibang bansa laban sa 82 politiko dito sa Pilipinas.

Paliwanag naman ni Senator Panfilo Ping Lacson, mali ang pagsasagawa ng wiretapping maliban na lang kung may judicial authorization o pahintulot ng korte ang nagsagawa nito.

Facebook Comments