Kasong isasampa sa mga pumatay sa driver-bodyguard ni Glenn Chong, paplantsahin na

Manila, Philippines – Magkakaroon ng case conference ang Public Attorney’s Office (PAO) para plantsahin ang isasampa nilang kaso laban sa mga pulis na pumatay kay Richard Santillan, ang pinatay na driver-bodyguard ni dating Congressman Glenn Chong.

Ayon kay Dr. Erwin Erfe, hepe ng PAO forensic team tatapusin na lamang nila ang pag-aaral sa tatlo pang undetermined wounds ni Santillan.

Sa oras aniyang masuri na nila kung ano ang sanhi ng tatlo pang sugat ni Santillan ay agad silang magsasagawa ng pinal na report sa autopsy.


Una nang kinumpirma ni Dr. Erfe na nagsumite na sila sa Malakanyang ng preliminary report sa kanilang autopsy sa labi ni Santillan.

Lumalabas sa pagsusuri ng PAO forensic team na pinahirapan muna si Santillan bago ito pinatay kung saan pinalabas na shootout ang nangyari.

Facebook Comments