Inabswelto ng Office of the Ombudsman ang mga tauhan ng Tondo Police Station ng Manila Police Department na sinampahan ng kasong kriminal at civil ng Commission on Human Rights (CHR).
Kaugnay ito sa nadiskubreng sikretong selda noong 2017, kung saan umano naka-detain ang 12 katao na inaresto dahil sa illegal drugs.
Walang nakitang matibay na ebidensya ang Ombudsman kung kaya’t ibinasura ang kasong arbitrary detention, grave abuse of authority at maraming iba pa.
Kabilang sa mga inabswelto ay sina Police Supt. Robert Casimiro Domingo, Police Officer 2 Dylan Verdan, Police Officer 1 Beverly Apolonio at iba pang “John Does.”
Ayon sa Ombudsman, hindi napatunayan ng CHR ang kanilang argumento nang sabihin nilang sekreto ang naturang selda gayong ang pinaglagyan sa mga drug suspect ay bahagi pa rin ng pasilidad ng Tondo Police Station ng Manila Police District.