Kasong isinampa ng PNP-CIDG laban kay VP Leni at ilang miyembro ng Liberal Party basura ayon kay Sen De Lima

Walang kwenta, Basura!

 

Yan ang reaksyon ni Sen Leila de Lima sa kasong sedisyon na isinampa ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group laban sa kanya maging kina Vice President Leni Robredo, dating Senator Bam Aquino, Antonio Trillanes, Risa Hontiveros, mga obispo, pari, abugado at mga myembro ng otso-diretso.

 

Sa ambush interview sa senadora sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kaso nito na may kinalaman sa illegal na droga sa Muntinlupa RTC Branch 205.


 

Sinabi ng nakadetineng senadora na ” Pure hogwash” ang kaso.

 

Ayon pa kay De Lima mas basura pa ang sedition case kaysa sa gawa gawang kasong isinampa laban sa kanya hinggil sa illegal drug trade.

 

Paliwanag pa nito hindi nya alam kung paano nag imbestiga ang PNP CIDG dahil ibinase lamang nila ang kaso sa testimonya ni Peter Joemel Advincula o alyas Bikoy na wala namang kredibilidad.

 

Si alyas Bikoy ay magugunitang lumantad sa publiko upang idiin ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa likod ng narcotics trade pero kalaunan ay bumaliktad at itinuro ang mga miyembro ng oposisyon bilang totoong utak umano kalakalan ng bawal na gamot.

Facebook Comments