Manila, Philippines – Ibinasura na ng Sandiganbayan 7th division ang kasong katiwalian laban kay South Cotabato Rep. Pedro Acharon Jr.
Una rito, inakusahan ng paglabag sa batas si Acharon dahil sa pagbibigay nito ng travel authority sa mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod noong alkalde pa siya ng Gensan.
Na salungat naman sa kautusan noon ng kalihim ng DILG na nag-disapprove sa biyahe nina Jose Orlando Acharon at Minda Atendido sa Los Angeles, California.
Gayunpaman, ayon sa korte bigo ang prosekusyon na patunayan ang bintang na ito kay Acharon.
Dahil dito, pinababalik ng korte sa kongresista ang kanyang cash bond at lifted na rin ang Hold Departure Order (HDO) laban sa kanya.
Facebook Comments