Kasong katiwalian na isinampa sa Ombudsman, minaliit ng kampo ni Caloocan City Mayor Malapitan

Tinawag na “smear campaign” ng kampo ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang inihaing kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman ng mga miyembro ng oposisyon.

Naniniwala si City Administrator Engr. Oliver Hernandez na layunin ng kaso na pahinain ang matagumpay na pagtugon ng lungsod sa COVID-19.

Itinatanggi ni Hernandez na hindi nasunod ang procurement law sa pagbili ng P320 milyon halaga ng digital tablets na ipinamahagi ng pamahalaang lungsod sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan sa Caloocan para sa kanilang online classes


Aniya, katuwang ang Department of Education-Caloocan, nailathala ang invitation to bid sa PhilGEPS at Philippine Star na lumabas noong Setyembre 6, 2020 at nailagay rin ang anunsyo sa bulletin board ng city hall.

Itinanggi rin nito ang paratang na ang mga nabiling unit ay substandard at overpriced dahil sa tatlong kompanya na nakilahok sa public bidding, lahat ng unit ng tablet na ipineresinta sa ginawang bidding ay suportado ng technical specifications at may karampatang halaga.

Facebook Comments