Kasong libelo laban kay Senator Trillanes, isinampa ng DOJ sa Makati RTC

Manila, Philippines – Sinampahan ng Justice Department ng kasong libelo sa Makati RTC si Senator Antonio Trillanes IV.

Ito ay matapos makitaan ng Department of Justice ng probable cause ang reklamong inihain ni dating Vice President Jejomar Binay at ng kanyang pamilya laban kay Trillanes bago ang 2016 elections.

Nag-ugat ito sa alegasyon noon ni Trillanes na kumita ang pamilya Binay ng P100 million kada taon sa racket nito sa mga proyekto sa Makati City kabilang na ang sinasabing pagkakaroon ng ghost senior citizens sa lungsod.


Dumepensa naman si Trillanes sa pagsasabing wala siyang natatandaan na may public statement siya laban sa mga Binay, maging sa publication sa internet.

Noong Setyembre ng nakaraang taon ay naghain ng not guilty plea si Trillanes sa hiwalay na libel case sa Makati RTC Branch 142 na inihain naman ni dating Makati city Mayor Junjun Binay.

May kinalaman naman ito sa akusasyon ni Trillanes na binayaran ni Binay ng tig-25 million pesos ang dalawang mahistrado ng Court of Appeals kapalit ng hindi pagpapalabas ng temporary restraining order sa implementasyon ng suspension order laban sa dating alkalde.

Facebook Comments