Manila, Philippines – Ibinaba ng Dept. of Justice ang kasong kinakaharap ni Supt. Marvin Marcos at 18 iba pang pulis na dawit sa pagkakapatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa at iba pang preso sa Leyte sub-provincial jail noong Nov. 5, 2016.
Mula sa murder ay ibinaba ang kaso sa homicide.
Ito ay matapos na mabura ng prosekusyon ang inihaing petition for review ng mga akusado.
Ayon naman kay Leyte Provincial Prosecutor Ma. Arlene Cordovezm, binigyang bigat nila ang mga bagong ebidensya na ipinakita si Marcos.
Kaya mula aniya sa murder ay ibinaba ito sa homicide na isang bailable offense.
Si Mayor Espinosa ay una nang iniuugnay sa iligal na droga sa Eastern Visayas at ang kanyang anak na si Kerwin Espinosa.
DZXL558
Facebook Comments