Posibilidad na nakatakas na ang ilang miyembro ng Maute group, hindi isinasantabi ng AFP

125

Manila, Philippines – Hindi isinasantabi ng Armed Forces of the Philippines ang posibilidad na nakatakas na ang ilang miyembro ng Maute group sa Marawi City sa kasagsagan ng bakbakan doon.

Sa Mindanao hour briefing sa Davao City, sinabi ni Brigadier General Gilbert Gapay na hindi malayong mayroon ng mga nakatakas habang umaabante ang puwersa ng pamahalaan.


Patunay aniya nito ay ang pagkakahuli kay Cayamora Maute nang pumasok ito sa Davao City na mula naman sa Marawi City.

Paliwanag ni Gapay, nasa loob pa ng Marawi City si Cayamora sa kasagsagan ng gulo doon pero nagawa pa rin nitong makaalis ng Lanao del Sur.

Una nang nanawagan ang Armed Forces of the Philippines sa publiko na maging mapagmatyag at isumbong kaagad sa kanila ang anumang kahinahinalang aktibidad sa kanilang mga lugar.
DZXL558

Facebook Comments