Sasampahan na ngayong hapon ng kasong paglabag sa R.A 8591 si Atty. Ely Pamatong. Ito’y matapos makuhanan ng mga armas, military uniforms at iba pa ang compound ni Pamatong sa Barangay Tablon dito sa Cagayan de Oro.
Ayun kay CIDG Chief investigator SPO4 Noel Oclarit, aabot sa tatlumpo ang bilang ng mga compound na pagmamay-ari ni Pamatong dito sa Pilipinas.
Bukod dito sa Cagayan de Oro, meron umanong compound si Pamatong sa Bukidnon, Davao, Bohol at Pampanga.
Nanawagan naman si SPO4 Oclarit sa lahat ng kasamahan ni Pamatong na ipaalam sa kanila kung saan ito nagtatago.
By: Lovelyrose Sambaan
Facebook Comments