Kasong treason at espionage laban kay dating Pangulong Aquino at Sen. Trillanes, ibinasura ng Ombudsman

16

Manila, Philippines – Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang mga kasong treason at espionage laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino at Senator Antonio Trillanes.

Ito’y kaugnay ng “back-channel talks” noong 2012 sa China na ginawa ni Trillanes sa utos ni Aquino, kaugnay sa gusot sa Scarborough Shoal.

Ayon sa Ombudsman, na walang basehan ang mga kaso at walang ebidensya na nagpapatunay na nagsabwatan sina Aquino at Trillanes.

Paliwanag pa ng Ombudsman, sinubukan lamang ni Aquino, bilang pangulo ng bansa ang lahat ng paraan para hindi malagay sa panganib ang bansa.

Pero giit ng mga complainants, nakialam si Trillanes sa gawain ng Foreign Affairs Department at inilagay sa panganib ang bansa sa pamamagitan ng maling mga impormasyon.

Nabatid na nagsimula ang tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas noong May 23, 2011 nang mapag-alamang nagtayo ng military garrison at mga himpilan ang China sa mga bahura at mga isla na kinasasakupan ng kalayaan group of islands.

Facebook Comments