Pinay na nakatira sa nasunog na gusali sa London, bigong matagpuan

23

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Embassy sa United Kingdom na hindi natagpuan ng mga otoridad ang pilipinang si ginang Ligaya Moore, na nakatira sa nasunog na Grenfell Tower sa London.

Ayon sa embahada, sa kabila ng paghahanap, bigong makita si ginang Moore na isinama na sa listahan ng itinuturing na nasawi sa trahedya.

Ipinaalam na ang masamang balita sa mga kaanak ng biktima.

Lubos namang nakikiramay ang embahada sa mga kaanak at mahal sa buhay ni ginang Moore.

Umaasa pa rin ang Philippine Embassy na makikita ang mga labi ng pinay.

Facebook Comments