Kasunduan kaugnay sa National ID, nilagdaan na ng lungsod ng Muntinlupa at PSA

Opisyal ng gagawin ang rollout ng national ID matapos lagdaan ang kasunduan nito sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa at Philippine Statistic Authority – National Capital Region (PSA-NCR).

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi na nakasaad sa nasabing kasunduan na tutulong ang pamahalaang lungsod sa PSA sa gagawing registration para sa roll-out ng national ID system sa pamamagitan ng pagbibigay logistical support at pag-mobilize ng kanilang mga gamit.

Dahil aniya ang national ID system ay makakatulong din sa lokal na pamahalaan ng Muntinlupa sa pagbibigay nito ng mas maayos na social welfare programs at benefits sa mga residente nito, lalong-lalo na sa mga ayuda na ibinibigay ng nasyonal na pamahalaan.


Maliban kay Mayor Fresnedi, pinasinayaan kahapon ang paglagda ng Memorandum of Agreement nina PSA-NCR Regional Director Paciano Dizon, PSA-NCR Chief Statistical Specialist Estrella Vargas, PSA-NCR PhilSys Focal Person Minerva Carpio, PSA-NCR Statistical Analyst John Daniel Flores, at Muntinlupa City Planning and Development Officer Alvin Vero.

Facebook Comments