Sa pamamagitan nito, magbibigay ng GIP assistance ang mga interns sa COMELEC sa mga usaping administratibo na layong magkaroon ng isang ligtas at maayos na pagsasagawa ng 2022 National at Local Elections.
Bilang bahagi ng kasunduan, dapat pangasiwaan ng DOLE ang pagpapatupad ng programa sa iba’t ibang COMELEC sites sa buong Rehiyon dos gayundin ang pagbabayad ng GIP interns na naaayon sa umiiral na minimum na sahod sa rehiyon.
Ang komisyon naman ay magbibigay ng nararapat na gawain sa GIP interns alinsunod listahan sa ilalim ng Section 7 ng DOLE’s Department Order No. 204, Series of 2019 at magsumite ng attendance sheet, daily time records, accomplishment reports, at iba pang mahalagang dokumento sa DOLE bilang batayan para sa suweldo ng mga intern.
Sa darating na Abril 1, sisimulan na ang pagtatrabaho ng mga intern na magtatagal sa loob lamang ng tatlong buwan.
Para naman matiyak na maaasahan ang teknolohiyang gagamitin sa eleksyon, nagsagawa ng mock election ang COMELEC na dinaluhan naman ng mga kawani ng DOLE.