Kasunduan sa pagitan ng RMN Networks, RMN Foundation Inc at Dualtech Training Center Foundation, Inc. na magbibigay scholarship sa ilang kabataan, lalagdaan na mamaya

Seselyuhan na mamayang tanghali ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng RMN Networks, RMN Foundation Inc at Dualtech Training Center Foundation, Inc.

Nakapaloob sa pipirmahang MOA ang programang aagapay sa mga kabataan na gustong tuparin ang kanilang mga pangarap saan mang sulok ng Pilipinas sa tulong ng Dualtech Training Center Foundation.

Pitong kwalipikadong kabataan mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ang mapipili para mabigyan ng scholarship habang bukod dyan ay hahandugan din sila ng pitong phone tablets ng RMN Foundation.


Gaganapin ang MOA signing mamaya sa DZXL function hall na pangungunahan nina ms. Erika Canoy-Sanchez, Executive Vice President at Chief Operating Officer ng Marketing and Media Ventures ng RMN Networks at ni Patrick Aurelio ng RMN Foundation.

Habang si Engr Jerry Webb Muhi, Executive Director ng Dualtech Training Center ang siyang kakatawan sa kanilang organisyon.

Samantala, present din mamaya sa event ang DZXL Radyo Trabaho Station Manager na sina Radyoman Buddy Oberas at Network Creatives head Rod Marcelino.

Nito lamang Marso, inilunsad naman ng RMN at RMN Foundation ang “Henry R. Canoy Scholarship Program” sa pamamagitan ng Radyo Edukasyon Program.

Bahagi rin ito ng paghahanda para sa selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng RMN Networks sa Agosto 28 at ika-10 taon ng pagbibigay serbisyo publiko ng RMN Foundation.

Sa mga nais maging scholar at makapag-enrol, magparehistro lamang sa dualtech.org.ph at sa mga nais namang tumulong, mag-message lamang sa RMN Foundation Facebook Page.

Ating tuparin at bigyan ng pag-asa ang mga kabataan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap mga Ka-Radyoman!

Facebook Comments