Health caravan, patuloy na nagbibigay ng serbisyo sa Malabon City

32

Pinangunahan ng City Health Department, kasama ang lahat ng barangay health centers, ang Malabon City Health Caravan sa lungsod.

Unang isinagawa ang health caravan sa Barangay Catmon kung saan nasa 108 Malabonians ang nakatanggap ng iba’t ibang libreng serbisyong pangkalusugan tulad ng chest x-ray, ECG, random blood sugar, cholesterol screening, Visual Inspection w Acetic acid (VIA), at medical consultations.

Samantala, iikot ang health caravan sa lahat ng barangay sa Malabon sa mga susunod na araw.


Sa mga nais maka-avail ng kaparehas na medical service, makipag-ugnayan lamang umano sa kanilang mga barangay health center para malaman ang schedule na malapit sa kanilang lugar.

Facebook Comments