Kasunduan sa paglaban sa korapsyon nilagdaan na ng Ombudsman, COA at DOJ

Lumagda na sa kasunduan o Memorandum of Agreement (MOA), ang Ombudsman, Commission on Audit (COA) at ang Department of Justice (DOJ) na tututok sa mga ahensiya ng pamahalaan kung saan talamak ang nagaganap na korapsiyon.

Alinsunod sa kasunduan, ang DOJ prosecutor at COA auditors ay magsisilbing resident Ombudsman sa mga ahensiya ng pamahalaan na may nagaganap na korapsiyon.

Bilang resident Ombudsman, ang DOJ Prosecutors at COA auditors ay aaksiyon sa mga reklamo at report laban sa mga opisyal at kawani ng nasabing ahensiya; magsisilbing tagapagbantay at tagapagpatupad ng mga programa kontra korapsiyon at magmo-monitor o susubaybay kung nasusunod ang mga batas at regulasyon laban sa korapsiyon.


Nakasaad sa salaysay na palalakasin ng MOA ang kapangyarihan ng Ombudsman, DOJ at COA sa implementasyon ng mga regulasyon laban sa katiwalian, na magsisilbi ring mekanismo ng DOJ upang makamit ang layunin ng Task Force Against Corruption.

Kaugnay nito ay papasok sa kasunduan ang Ombudsman, COA at DOJ sa partner Agencies patungkol sa pagtatalaga ng resident ombudsman na inaasahang maggsisimula ngayong buwan.

Facebook Comments