Katas ng TRAIN Law, Natikman na ng mga Cauayeṅo Ayon Kay City Mayor Bernard Dy!

*Cauayan City, Isabela- *Iginiit ni City Mayor Bernard Dy ng Lungsod ng Cauayan na nakatikim na ang ilan sa mga Cauayeño sa katas ng TRAIN Law kung saan nasa mahigit dalawang libo at tatlong daang mga senior citizens ang nabigyan na ng unconditional cash transfer mula sa buwis.

Ayon sa alkalde, ginawa umano ang TRAIN Law upang hindi pahirapan ang mga tao kundi upang matulungan ang mga mahihirap gaya ng mga miyembro ng 4P’s at makatulong na rin umano sa pondo ng pamahalaan para sa Build, Build, Build program ng gobyerno.

Dipende na lamang umano ito sa sitwasyon na maaaring a-alma ang mga negosyante, ang mga informal worker o ang mga walang tiyak at permanenteng kita maging ang mga nasa middle class dahil sila ang mga pangunahing maaapektuhan ng TRAIN Law subalit umaasa ang alkalde na makikita rin umano ng mga ito ang layunin ng nasabing batas.


Ayon pa sa alkalde, na lahat ng mga proyekto ng DPWH ay resulta na ng Build, Build, Build program ng pamahalaan.

Samantala, pabor naman si City Mayor Bernard Dy na isama sa pinal na konstitusyon ng Pilipinas ang Anti-Political Dynasty kung saan naipatupad na ito nitong nakaraang SK eleksyon.

Facebook Comments