KATAWAN NG ISANG LALAKI NA WALA NANG BUHAY, NATAGPUAN SA TONDALIGAN, DAGUPAN CITY

Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng isang lalaki bandang alas dos ng hapon noong Nobyembre 14, 2026 sa kahabaan ng Sitio Tondaligan, Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City.
‎

‎Kwento ng mga saksi, umaga pa lang umano ng nasabing araw ay nakaupo na ang lalaki sa lugar ng insidente.
‎

‎Napahiga pa umano ito at inakala ng mga tao na dahil lamang sa kalasingan.

‎
‎Sa pagsisiyasat umano ng isang tindero bandang alas-dos, wala na umano itong buhay habang nakahiga sa gilid ng kalsada.
‎
‎
‎
‎Ayon sa pamilya ng biktima na tumanggi nang humarap sa camera, heart attack umano ang sanhi ng pagkamatay ng biktima base sa naging pagsisiyat ng doktor.
‎

‎Sa kasalukuyan, nakaburol na ang katawan nito sa kanilang bahay sa barangay Bonuan.
‎

‎Humihinggi naman ang pamilya ng paggalang at respeto sa kanila sa gitna ng pagdadalamhati.
‎

‎Samantala, nagsasagawa rin ng imbestigahan ang mga awtoridad hinggil sa sinapit ng natagpuang walang buhay na katawan ng lalaki. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments