RESPONSABLENG PAGBABAHAGI NG MGA CONTENT CREATORS NG IMPORMASYON SA SOCIAL MEDIA, BINIGYANG DIIN

Sa patuloy na paglaganap ng social media sa bansa, mas napapadali na ang pagbabahagi ng sariling opinyon at pagpapakalat ng impormasyon sa iba’t ibang online platforms.

Muling iginiit ang responsableng paggamit at pagbabahagi ng impormasyon sa social media partikular na ang mga content creators at influencers tulad na lamang sa Pangasinan.

Sa katatapos na SANIATA VLOGFEST, nagbahagi ng tatlong mahahalagang paalala ang beteranong broadcast journalist na si Luchi Cruz-Valdez, para sa mga kasalukuyang nasa larangan ng vlogging at sa mga nagnanais pumasok sa mundo ng pagbabahagi ng opinyon at impormasyon sa social media.

Ayon sa kaniya, unang-una, dapat iwasan ang pagiging performative o ang paggawa ng mga bagay para lamang magpakitang-tao.

Pangalawa, dapat ding iwasan ang pagiging clout chaser o ang paghahangad lamang ng kasikatan at atensyon sa social media.

At pangatlo, higit sa lahat, dapat laging isaalang-alang ang katotohanan sa bawat impormasyong ibinabahagi.

Samantala, nagbigay rin siya ng payo sa mga nagnanais maging influencers, reporters, o pumasok sa mundo ng politika.

Binigyang-diin niya na napakahalaga ng pagiging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon, kabilang ang pagtiyak sa kredibilidad ng mga pinagkukunan nito at pag-iwas sa pagpapakalat ng maling impormasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments