ROAD CLEARING OPERATIONS, PATULOY NA ISINASAGAWA SA MAPANDAN, PANGASINAN

Patuloy na isinasagawa ang road clearing operations sa kakalsadahan ng Bayan ng Mapandan sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at pulisya sa Mapandan Police Station.

Ayon kay PMAJ Vincent Jasper B. Magsarili, officer in charge ng PNP Mapandan, bukod sa road clearing operations, nagpapatupad din sila ng mga tamang terminal ng mga tricycle at tamang babaan at sakayan ng mga pampublikong sasakyan.

Dagdag ni Magsarili, base sa kanilang mga naging operasyon kabilang sa mga nagiging problema ang mga kolorum o mga walang prangkisa na mga pumapasada.

Layunin ng mga operasyon na panatilin ang kaayusan at kaligtasan ng mga residente lalo na sa lagay ng trapiko sa bayan.

Paalala naman ng mga awtoridad na patuloy na sumunod sa mga patakaran ang mga ordinansa ng bayan upang lalo na sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa paparating na holiday season. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments