Mariing itinanggi ng kampo ni Vice President Leni Robredo na empleyado ng Office of the Vice President si Rodel Jayme ang sinasabing admin ng website kung saan inilabas ang “bikoy video”.
Ayon Atty. Barry Gutierrez, malinaw na paninira na naman ito sa bise presidente.
Kung totoo man aniya ang mga larawan sa social media na magkasama sina Robredo at Jayme. Posibleng isa lang si Jayme sa mga naging supporter ng bise presidente noong kampanya.
Maging ang si Liberal Party President Senador Kiko Pangilinan, itinangging sangkot ang lp sa pagpapakalat ng nasabing video.
Aniya, diversionary tactic lang ito ng Administrasyong Duterte para hindi sila punahin sa mga kapalpakan at pagnanakaw na nangyayari sa kabang-bayan at likas na yaman ng bansa.
Kaugnay nito, umapela ang partido sa National Bureau of Investigation na kumalap na malalakas at matitibay na ebidensya at huwag puro espekulasyon.
Una rito, sinabi ni Jayme sa mga otoridad na ginawa niya ang website para sa kapwa niya supporter ng liberal party.