Kauna-unahang AGRI MASTER PLAN para sa BARMM, binuo!

Nagtipon-tipon ang Farmer Leaders, grupo ng mga mangingisda, people organizations, development planners, agriculturists, engineers at local officials ng bagong-tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Davao City.

Doon ay tinalakay ang pagbuo ng kauna-unahang Agriculture and Fisheries Master Plan para sa rehiyon.
pinangasiwaan ng Department of Agriculture ang naturang aktibidad na nilahukan ng mahigit-kumulang 300 partisipante.

Kasama ang technical at administrative assistance ng DA at ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR), ay aalamin ng stakeholders ang mga interventions na kakailanganin upang mapabuti ang kabuhayan ng mga mamamayan sa pinakamahirap na rehiyon ng bansa.


Sa oras na makumpleto ang Master Plan ay ipipresenta ito kay BARMM Chief Minister Al Haj Ahod Murad Ebrahim at isusumite ng kagawaran ang iba pang kopya nito kay Pangulong Rodrigo R. Duterte bago ang kanyang State of the Nation Address sa Hulyo 22, 2019.

Facebook Comments