Isang 22-anyos na taga-Sampaloc, Manila ang kauna-unahang nabigyan ng trabaho ng DZXL-Radyo Trabaho ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila.
Ito ay si Ailene Mortel na nag-apply sa atin noong August 4 at natanggap nitong August 26 sa Topserve Service Solutions, Inc.
Ayon kay Ailene, sa susunod na Martes (September 2) ay magsisimula na siya bilang Admin Staff sa St. Luke’s Medical Center Global City.
Kwento ni Ailene, ang tatay niya ang masugid na taga-pakinig ng DZXL… kung saan pinayuhan siya ng kanyang ama na subukang magsend ng resume sa Radyo Trabaho.
Hindi naman mabigo ang ating aplikante dahil kahit naging mahirap ang proseso ng kanyang pag-aaply ay nagbunga naman ito.
Facebook Comments