Napili ng gobyerno at mga pribadong kumpanya ang isla ng Sibutu, sa lalawigan ng Tawi-tawi bilang benepisyaryo ng kauna-unahang floating solar farm sa bansa.
Inanunsyo ang magandang balita sa ginanap na pulong noong Hulyo 8 sa pagitan ng pamunuan ng Aboitiz Powers, mga direktor mula sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries at Aquatic Resources (BFAR).
Sa Facebook post ni DA Chief Emmanuel Piñol, sinabi nitong malaking tulong sa mga mangingisda at residente ng Sibutu Island ang makabagong teknolohiyang ilalagay sa nasabing lugar.
Ayon pa sa pinuno ng kagawaran, magagawa ng ilulunsad na pasilidad ang mga sumusunod:
- generate power for ice-making production and run cold storage equipment and facilities
- provide light to the community through rechargeable batteries
- serve as raft or “payao” to gather small fish species that would attract big and high-value fish species such as tuna
- function as a fish cage in coves or near the coastlines
Manggagaling sa pondo ng BFAR ang P20 million na gagamitin sa naturang proyekto at inaasahang matatapos sa loob ng apat na buwan.
Magugunitang ipinakilala din ng Aboitiz Power at ka-partner nitong Norwegian company na SN Power ang kahalagahan ng solar floating power plant sa Pilipinas at itinayo ang kauna-unahang prototype sa Magat Dam, Isabela.