Kauna-unahang ice cream parlor para sa mga aso – binuksan sa Mexico

37

Mexico – Ngayong summer, masarap ang ice cream bilang pampalamig, pero isang ice cream parlor sa Mexico ang binuksan para sa mga alaga nating aso.

Ang kauna-unahang dog-friendly ice cream parlor na “Don Palettos” ay binuksan hindi lamang para sa mga tao kundi maging sa kanila rin alagang aso, upang mag-enjoy at magbonding daw ang mag-amo sa pagkain ng ice cream.

Kumuha pa daw ng tulong ng veterinarians ang may ari ng tindihan para matiyak na ligtas ang kinakaing ice cream ng mga alagang aso

Nabatid na prone din sa heat strokes at dehydration ang mga alagang aso tuwing summer kaya ito daw ang pinaka-the best na panlaban ngayong tag-init.

Facebook Comments