Kinumpirma na ng gobyerno ng Amerika ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa isang deer o usa.
Ayon kay US Department of Agriculture (USDA) Spokeswoman Lyndsay Cole, isang white-tailed deer ang tinamaan ng virus na matatagpuan sa Estado ng Ohio.
Wala namang ulat na nakakaranas ng sintomas ng COVID-19 ang usa, kaya hindi pa matukoy kung na-expose ito sa SARS-CoV-2.
Una na ring naitala ng USDA ang kaparehong pagkahawa sa aso, pusa, tiger, lions, snow leopards, otters, gorillas at minks.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang pag-aaral sa nasabing usa.
Facebook Comments