KAUNA UNAHANG MALL VAX SITES, INILUNSAD SA SAN CARLOS CITY UKOL SA GINAGAWANG PAGBABAKUNA KONTRA COVID19; ALKALDE NANAWAGAN NG MAS MALAKING ALOKASYON NG BAKUNA MULA SA D.O.H

Inilunsad sa lungsod ng San Carlos City ang kauna-unahang Mall Based Vaccination Sites kaugnay parin sa ginagawang pagbabakuna kontra COVID19.

Sinabi ng alkalde ng lungsod, na nakikipag-ugnayan sila sa mga mall at iba pang mga establisyemento na malaki ang maitutulong na sakaling dumating ang karagdagang alokasyon ng bakuna ay makakapagpabakuna pa mas maraming indibidwal.

Aminado naman din ang alkalde na marami paring ang mga residente ang natatakot na magpabakuna kung kaya’t ginagawa nila ang iba’t ibang paraan para makahikayat pa ng mas marami at sa katunayan umano ay patuloy siya pakikipag usap sa kada barangay.


Sa ngayon ay aabot sa labing isang vax sites ang mayroon sa lungsod na kinabibilangan ng limang RHU, isang City Health, apat na private hospitals at ang pinakabago ang mall vax na pinaka una sa lungsod maging sa buong Pangasinan. Ito ay bilang paghahanda naman sakaling gumulong ang roll out para sa publiko at hindi na mahirapan pa na tukuyin ang maaaring paglagyan ng mga vax sites.

Samantala, nanawagan ang alkalde sa DOH Central Office na dagdagan din ang alokasyon ng bakuna sa lungsod dahil sa napakalaking populasyon nito ay marami pa ang kailangan bakunahan upang maabot ang 70% na herd na immunity dahil aniya mabilis na niroroll out ang mga bakuna na dumarating dito.

Tiniyak din na nakahanda ang lungsod na bumili ng bakuna na sa katunayan umano ay may nakalaang pondo para dito sakaling ito ay kailangan na magdagdag pa ng bakuna kontra COVID19 basta lamang umano na payagan na silang bumili.

Facebook Comments