KAUNA-UNAHANG PRIBADONG PAARALAN SA PANGASINAN, TARGET NA MULING MAKAKUHA NG MAS MATAAS NA RANGGO MULA SA ISANG INTERNATIONAL RATING SYSTEM

Target muli ng pamunuan ng kauna-unahang pribadong paaralan sa Pangasinan na Panpacific University na matatagpuan sa Lungsod ng Urdaneta na makasungkit ng mas mataas na ranggo mula sa isang International Rating System.
Matatandaan na noong Marso 2021 nang mapabilang ang nabanggit na unibersidad mula sa Hilagang Luzon at nakakuha ng kabuuang Three Stars Rating mula sa Quacquarelli Symonds, isang kumpanya na International Network Education, sumusuri ng iba’t ibang mga paaralan na may detalyadong pagtingin sa isang institusyon, tumutukoy sa isang paaralan na may pinakamahusay sa limang mahahalagang paksa gaya na lamang ng kalakasan ng isang programa, pasilidad na mayroon ito, kakayahang makapagtrabaho ng mga estudyanteng nagtapos dito, social responsibility, pagkakaisa o pagkakasama-sama at higit pa.
Ito rin ay isang analytic provider kung saan ito ay nakabase sa bansang London.

Noong nakaraang taong 2022 ay pormal nang binuksan ang Three Stars Marker nito sa publiko bilang bahagi ng kanilang ika-dalawampu’t siyam na taong anibersaryo ng kanilang unibersidad.
Sa ngayon, target muli ng institusyong ito na makuha ang ika-apat na Stars mula dito dahil sa patuloy na inobasyon at pagkakaroon ng magagandang mga programa para sa kanilang mga mag-aaral.
Ayon kay Dr. Engelbert Pasag, ang Chief of Operations Officer ng naturang unibersidad ay susubukan umano nilang makamit lahat ng mga criteria ngunit naniniwala naman ito na kanilang maaabot ang mga ito dahil nagbase umano sila sa kanilang mga plano ngayon taon at sa mga susunod pang mga taon.
Ayon pa sa kanya, patuloy umano nilang mas pagagandahin dahil para umano sa kanya ay hindi lamang itong isang federal cap bagkus isang pagpapatunay na patuloy na nagpapaganda at patuloy ding naghahanap ng maaaring maitulong sa mga magulang na nagtitiwala upang pag-aralin ang mga ito sa paaralan.
Samantala, mensahe naman nito sa mga mag-aaral na bahagyang kapos sa buhay na karamihan umano ay nasa farming community ay wala umanong hadlang para sa mga pangarap kung saan aniya, lahat umano ng mga unibersidad kabilang na Ang Panpacific University ay may paraan para makatulong sa mga ito at gawin lamang umano ang pagkatok sa tamang pintuan at kung nabigyan ng oportunidad ay bigyan ng hustisya at gagawin ang lahat ng makakaya para makapagtapos at kung aniya nakapagtapos na ay kailangang magsilbi sa komunidad. |ifmnews
Facebook Comments