Nakatakdang magbaba ng kautusan ang Department of the Interior and Government (DILG) sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa bansa na magbibigay parusa sa mga residente nitong lalabag sa ipinapatupad na minimum health protocols.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, nakapaloob sa nasabing ordinansa na maaaring ikulong ng hanggang 5 araw ang sinumang mahuhuling lalabag, pagmumultahin at sasailalim sa community service.
Sa pamamagitan nito, aniya, mas maiiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.
Paliwanag ni Densing, kailangan na nilang magpataw ng mas mahigpit na parusa dahil nagiging kampante na ang publiko sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, mayorya sa mga Local Government Unit (LGU) ang tutol pa rin sa pagpapaluwag sa travel restrictions at pag-alis sa ilang travel requirements.
Giit ni League of Provinces of the Philippines (LPP) President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., ang ilan sa lokal na pamahaalan ay nangangailangan pa rin ng negatibong resulta ng RT-PCR bilang pre-travel requirement.