Manila, Philippines – Pinuna ng Ecowaste Coalition ang tambak na mga basurang iniwan ng mga namamanata ngayong Semana Santa.
Ito ay matapos mag-viral sa social media ang sangkaterbang basurang naiwan sa mga simbahan at pilgrimage sites partikular sa Our Lady of Lourdes Grotto sa San Jose del Monte, Bulacan at Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo.
Ayon kay Zero Waste Campaigner Daniel Alejandre, taun-taon na lamang itong problema at hindi na natututo ang mga deboto.
Karamihan sa mga iniwang basura ay gawa sa plastic, upos ng sigarilyo at mga tirang pagkain.
Facebook Comments