NANINDIGAN | VP Leni Robredo, mananatili sa Liberal Party

Manila, Philippines – Walang plano si Vice President Leni Robredo na lumipat ng political party.

Ayon kay Robredo, hindi niya lilisanin ang kaniyang partido kahit ilan sa kaniyang mga kapartido ay lumipat ng PDP-laban ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, hindi niya nakikita ang kaniyang sarili na nasa ibang partido.


Katwiran pa ni Robredo, sumama siya sa LP dahil naniniwala siya sa prinsipyo nito.

Giit pa ng Bise Presidente, mananatili siya sa Liberal Party (LP) kahit siya na lamang matitirang miyembro nito.

Facebook Comments