Kawalan ng internet access o smartphones, hindi dapat gawing dahilan ng mga PUJ operators ayon sa DOTr

Hindi tinanggap ng Department of Transportation (DOTr) ang katwiran ng mga Public Utility Jeepney (PUJ) na kawalan ng smartphones o access sa internet kaya hindi ma-download ang Quick Response (QR) codes ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Goddes Hope Libiran, responsibilidad ng mga operator ang pag-download ng QR codes.

Binigyan na rin ng LTFRB ng ilang araw ang mga ito upang ma-download ang QR code.


Giit pa ni Libiran, hindi uusad ang ginagawang proseso ng pagbabalik kalsada sa tuwing may ganitong katwiran.

Aniya, binigay na ng gobyerno ang pinakamadaling option ang mga PUJ operator upang hindi na kinakailangang pumunta pa sa LTFRB at maiwasan ang face to face transaction at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Hindi na rin pinagbabayad ang mga ito at wala na ring itinakdang special permit.

Facebook Comments