Kawalan ng kooperasyon ng Executive Department sa panukalang tugon sa epekto ng pandemya sa financial institutions, ikinadismaya ng mga senador

Pinuna ni Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies Chairperson Senator Grace Poe ang tila kawalan ng kooperasyon ng Executive Department sa priority bill nito na Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) bill.

Pahayag ito ni Poe makaraang hindi dumalo sa pagdinig ng Senado ukol sa panukala ang head o matataas na opisyal ng Securities and Exchange Commission (SEC), Department of Finance (DOF), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Treasury (BTr).

Kinastigo rin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang BIR na hindi nagpadala ng high ranking official sa hearing gayong mahalaga ang papel nito sa pagpapatupad ng FIST bill at malaking concern din ang koleksyon na maaapektuhan kapag naisabatas ang panukala.


Lumabas sa pagdinig na kapag ipinatupad ang FIST bill ay may ₱3.3 billion hanggang ₱13.2 billion na mawawalang buwis sa loob ng limang taon o ₱2.64 billion kada taon.

Nadismaya rin si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na hindi nasagot ng kinatawan ng BIR sa pagdinig kung magkano ang halaga ng tax subsidy na inilaan ng gobyerno sa ilalim ng Special Purpose Vehicle (SPV) Law.

Pinuna rin ni Recto na hindi handa ang BIR sa pagharap sa pagdinig at isang kwestyon ang pagtutol nito sa FIST bill na isinusulong ng DOF gayundin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Facebook Comments