Kawalan ng overtime pay, hindi dahilan para gumawa ng katiwalian ang mga taga-BI

Binigyang diin ni senator Risa Hontiveros na kailanman ay hindi magiging katanggap-tanggap na dahilan ang pagkawala ng overtime pay kaya binuo ng mga taga-Bureau of Immigration o BI ang pastillas modus.

Sa pagdinig ng senado, ay lumabas na nabanggit na modus ay hinihingina ng 10,000 ng mga taga-BI ang mga Chinese para VIP treatment nila pagdating sa paliparan at hindi na sisitahin kahit kwestyunable ang mga dokumento.

Giit ni Hontiveros, dapat managot ang mga sangkot sa pastillas modus.


Kaugnay nito, ay umaasa si Hontiveros na maibibigay sa mga taga-BI ang tamang pasweldo at mga benepisyo.

Facebook Comments