KAWALAN NG PAGKAKAISA SA MGA LIDER NG BANSA, DAHILAN UPANG HINDI MAKITA ANG PANGANGAILANGAN SA GAMOT AT KAGAMITAN SA MGA PAMPUBLIKONG OSPITAL AYON SA ILANG PANGASINENSE

Hindi umano dapat balewalain ang kalusugan dahil lamang sa kakulangan sa gamot at kagamitan sa mga ospital ayon sa ilang Pangasinense.

Sa panayan ng IFM News Dagupan sa ilang residente, aminado ang mga ito na nakararanas pa rin ng kakulangan sa mga serbisyo ng ospital kahit patuloy ang pagpapatupad ng health development programs.

Samantala, opinyon naman ng ilan ang kawalan ng pagkakaisa sa mga lider ng bansa dahilan kaya hindi umano nakikita ang mga kakulangan na dapat sana ay sinosolusyonan.

Nag-ugat ang naturang usapin matapos isulong ng ilang mambabatas ang pagtatakda sa Department of Health na tutukan ang gamot at kagamitan sa mga ospital partikular sa mga liblib na lugar sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments