KAWANI NG LGU MANGALDAN, NAGBALIK NG NAPULOT NA PITAKA SA TUNAY NA MAY-ARI

Buhay pa rin ang katapatan ng mga Pilipino matapos ibalik ng isang kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan ang napulot nitong pitaka sa tunay na may-ari, isang Mangaldanian na muling nagpatunay ng pagiging tapat at responsable sa kapwa.

Kinilala ang kawani na si Junar Viado Abubo, miyembro ng Quick Response Team ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO-Mangaldan.

Ayon sa may-ari ng pitaka na si Jumel Carbonel ng Barangay Landas, nahulog umano ang kanyang pitaka habang namimili sila ng sopas malapit sa Barangay Hall ng Poblacion.

Naglalaman ang pitaka ng kanyang driver’s license at ilang ATM cards. Labis naman ang pasasalamat ni Carbonel matapos maibalik sa kanya ang mahalagang gamit.

Para sa marami, simpleng bagay man ang pagpulot at pagbabalik ng pitaka, malaking paalala ito na may mga taong pinipili pa rin ang tama kahit walang kapalit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments