HINIHINALANG MAGNANAKAW, ARESTADO MATAPOS MAHARANG NG MGA RESIDENTE SA SAN JACINTO

Muling napatunayan ang kahalagahan ng pakikiisa ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan matapos maaresto ang isang hinihinalang magnanakaw sa tulong ng mga concerned citizen at mabilis na responde ng kapulisan. ‎ ‎

Ayon sa ulat, nasa loob ng kanilang tindahan ang dalawang biktima nang mapansin ng isang babae na kinukuha ng suspek ang kanyang sling bag at wallet na naglalaman ng P29,500. ‎

Agad niyang ipinaalam ito sa kanyang kasamahan at mabilis nilang hinabol ang suspek. ‎


Sa gitna ng pagtugis, nakatulong ang ilang mamamayan sa lugar upang maharang at ma-corner ang suspek bago pa ito tuluyang makatakas. ‎

Naging mahalagang bahagi ang kanilang kooperasyon upang mapadali ang pagdakip sa hinihinalang salarin. ‎ ‎

Nagkataon namang nagsasagawa ng mobile patrol ang mga pulis sa lugar kaya agad nilang narespondehan ang insidente at inaresto ang suspek. ‎ ‎

Naisampa na ang kasong pagnanakaw laban sa suspek at nasa kustodiya ng pulisya habang isinasagawa ang mga kinakailangang proseso bago ilipat sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments