Dahil sa biglang pagbuhos ng ulan sa Maynila, hindi agad nakaalis ng Palasyo ang chopper na sasasakyan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon mismo sa mga opisyales ng Malacañang.
Pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar, alas-4:30 ng hapon nakalipad ang chopper na lulan si Duterte.
Salaysay din ni PSG Commander Brig. Gen. Jose Eriel Niembra, tiniyak nilang klaro at makalilipad ng maayos papuntang House of Representatives bago sila mag-take off.
Dumating si Duterte ng Batasang Pambansang bandang 4:53 ng hapon.
Matatandaang hindi na-late ang Presidente sa mga nakaraang SONA.
Taong 2018, naantala ng mahigit isang oras ang talumpati ni Duterte dahil sa kudetang naganap para sa liderato ng Kongreso. Pinatalsik ng mga kongresista ang noo’y House Speaker Pantaleon Alvarez at ipinalit si Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo.
Naunang sinabi ng PAGASA na magdadala ng maulap at matinding pag-ulan sa Metro Manila ang Southwest Monsoon o Habagat.