Kayesha Clauden L. Chua – MISS BICOLANDIA 2017: Maikling Salaysay ng Sakripisyo, Tagumpay at Pasasalamat

“OPO…VERY FULFILLING PO…WORTH IT, LAHAT NG SACRIFICES, PAGOD, NAG-PAY-OFF NAMAN PO. SOBRA-SOBRA PA PO… ” Ito ang maamo, masaya at mapagpasalamat na sagot ng taga-Legazpi City na tinaguriang pinakamagandang dalaga ngayon sa Bicol region; – nang tanungin nina DWNX Program Anchors Kasamang Ed Ventura at Kasamang Grace Inocentes sa Doble Pasada, kung ano ang feeling niya, one night after hirangin siyang MISS BICOLANDIA 2017.

Isang gabi matapos niyang sungkitin ang pinakamimithing prestihiyosong korona, si KAYESHA CLAUDEN L. CHUA ay nagpaunlak ng interview sa RMN DWNX 1611 AM with Kasamang Paul Santos.

Alay ng dalaga ang korona sa kanyang mga naging inspirasyon upang makamit ang titulo , – ang kanyang pamiya at mga kamag-anak na hindi kailanman nagpakita ng kapaguran sa pagsuporta .


Si Kayesha ay dating flight attendant ng isang airline company at nag-resign nitong nakaraang buwan ng Mayo para mag-apply sa Philippine Flag Carrier – PAL. Siya ay na-shortlist pero may nakitang gap sa kanyang ngipin, kaya binigyan siya ng 6 months “to fix what needs to be fixed, sa teeth ko po“ sabi pa ni Kayesha. Dagdag pa niya “things seemed to fall in place” dahil good timing na wala naman siyang pagkakaabalahan sa loob ng 6 na buwan, bakit hindi niya subukang muli na sumali sa beauty pageant…”first love really never dies” dagdag pa ng dalaga. Yaman din lang na sinubukan na niyang lumaban sa “Kaogma at Ibalong Festivals, napagpasyahan dalaga na ituloy na rin ang pagsali sa Miss Bicolandia…

And the rest is history…

Nang tanungin kung nakikinita niya na posibleng daan ito sa kanyang pagpasok sa showbiz, magalang niyang tugon na wala ito sa kanyang plano. Dinagdag pa niya na dati na siyang talent ni Boy Abunda pero sadyang hindi raw yata laan sa kanya ang nasabing landas.

Napanalunan din ni Kayesha ang halagang 200,000 pesos at trip to Hongkong or Singapore for Two.

Nang tanungin kung ano ang plano niya, masaya niyang ibinahagi na matagal na nilang gustong magbakasyon sa Taipei kasama ang mommy niya. Ngayon, balak ni Kayesha na bigyang katuparan ang nasabing plano at “shoulder ko na po ang lahat ng gastos namin ng mommy ko for Taipei” masayang dagdag pa ng dalaga. Tungkol sa trip to Hongkong or Singapore for 2, at kung sino ang makakasama niya, “for Singapore po, not so sure po kung sino” sagot niyang punung-puno ng matamis na ngiti…

Natapos ang interview kay Miss Bicolandia 2017 Kayesha Clauden Chua, kung saan banaag sa dalaga ang puso at kaloobang punung-puno ng saya at bukal na pagpapasalamat sa lahat ng naging kabahagi at sumuporta hindi lamang sa kanya kundi sa lahat ng mga kandidata sa buong panahon ng patimpalak-kagandahan.

Ang Miss Bicolandia ay siyang pinakamalaking beauty pageant sa Bicol region at isa sa mga major features ng taunang PEÑAFRANCIA FESTIVAL at ginaganap tuwing buwan ng Setyembre.

– Kasama mo sa Balita – Ed Ventura, Grace Inocentes at Paul Santos, Tatak RMN!

Facebook Comments