Kenneth Dong, ihaharap sa Korte ngayong araw

Manila, Philippines – Nakatakdang iharap sa Korte ngayong araw ang sinasabing middleman sa shabu shipment na nakapuslit sa Bureau of Customs na si Kenneth Dong.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre ihaharap sa Paranaque Regional Trial Court Branch 195 partikular sa sala ni Judge Aida Estrella Macapagal si Dong dahil sa kaso nitong rape.

Nag-ugat ang kaso laban kay Dong makaraan nitong gahasain ang isang babaeng nasa edad 30 taong gulang, kasal pero hiwalay sa asawa nuong April 9 2016.


Sinabi ni Aguirre na inilabas ang nasabing warrant of arrest nuong July 21 2016 at non bailable din ang kinakaharap na kaso ni Dong.

Ihaharap sa Paranaque RTC ngayong araw ang suspek para sa tinatawag na return of the warrant at duon na magdedesisyon si Judge Macapagal kung saan ipipiit itong si Kenneth Dong.

Kahapon kung matatandaan makaraan ang pagdinig sa Senado inaresto ng NBI si Dong.

Nabatid na sa NBI din ito nagpalipas ng magdamag.

Facebook Comments