13 patay, 49 sugatan matapos mabagsakan ng malaking puno ang isang religious ceremony sa Madeira Portugal

World – Umakyat na sa 13 tao ang patay at 49 ang sugatan matapos na mabagsakan ng malaking puno habang nagsasagawa ang mga ito ng isang religious ceremony sa isla ng Madeira, Portugal.

Sa ulat, bigla na lamang natumba ang 200-years old oak tree sa mga biktima kung saan kabilang sa mga nasawi ay dalawang bata.

Ipinagdiriwang sa lugar ang feast of assumption na dinarayo ng mga turista sa Europa.


Nabatid na ang mga sugatang turista ay mga mamamayan ng Germany, Hungary at French citizens.

Facebook Comments