Kontrobersyal Na Pahayag Ng Pangulong Duterte Na Nakapatay Ito, Posibleng Pagmulan Ng Impeachment Complaint

11

MANILA – Binuksan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang sarili sa impeachment.Ito ang sinabi ni Sen. Richard Gordon, dahil sa pag-amin ng pangulo na siya mismo ang pumapatay sa mga kriminal noong alkalde pa ito ng Davao.Pero sa kabila nito, naniniwala si Gordon na malulusutan ito ng pangulo at madidepensahan ang sarili.Una nang naghain ng kasong murder, kidnapping, torture at crimes against humanity si self-confessed killer na si Edgar Matobato sa Office of the Ombudsman laban sa pangulo.

Facebook Comments