Kevin Durant, free agent na

4551

Tinanggihan na ni NBA star Kevin Durant ang ₱1.6 billion na option deal sa kanya ng Golden State Warriors.

Kaya naman unrestricted agent na ngayon sa NBA si Durant.


Sa ngayon ay nasa New York si Durant at ang business manager niyang si Rich Kleiman para suriin ang opsyon nito bilang free agent.

Kabilang naman sa mga nagpahayag ng interes sa NBA star ang Brooklyn Nets, New York Knicks at Warriors na pumirma sa maximum contract kahit pa hindi ito makakapaglaro sa buong season ng 2019-2020.

Matatandaang inoperahan si Durant dahil napunit ang kanang Achilles tendon sa game 5 ng NBA finals kontra Toronto Raptors.

Facebook Comments

From Advertisers