Kevin durant, hindi na makakapaglaro sa game 6 ng NBA

Hindi na makakapaglaro si Golden State Warriors player Kevin Durant sa game 6 ng labanang Warriors at Houston Rockets ng semifinals sa nagpapatuloy na NBA Western Conference.

Ito ay matapos magtamo ng injury dahil sa maling bagsak niya matapos magpakawala ng isang baseline jumper.

Sa resulta ng Magnetic Resonance Imaging (MRI) – nagkaroon ng mild strain o punit sa kanyang right calf o kalamnan sa kanang binti.


Ayon sa kanyang doktor – tinatayang aabutin ng dalawang linggo ang kanyang recovery at kinakailangan na sumailalim sa araw-araw na physical therapy.

Umaasa naman si Warriors coach Steve Kerr na makakabalik si Durant sa hardcourt sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments