Aiko Melendez, nagalit sa mga nagpo-post na patay na umano si Eddie Garcia

Nagalit ang aktres na si Aiko Melendez sa mga nagpo-post sa social media na patay na umano ang beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Nababasa kasi ni Aiko sa social media ang mga caption na “RIP Eddie Garcia” kahit hindi pa naman pumapanaw ang 90-year old actor na naka-confine ngayon sa ICU ng Makati Medical Center.

Panawagan ni Aiko, sana ay tigilan na ng mga tao ang pagpo-post nang hindi naman totoo tungkol sa kanyang ama-amahan dahil lumalaban pa ito para mabuhay matapos ang natamong neck fracture.


 

Aniya, hintayin na lang daw ang statement ng pamilya ni Manoy at ipagdasal na lang ang mabilis niyang paggaling.

Naging malapit si Aiko sa beteranong aktor matapos na magkasama sa isang award winning film kung saan gumanap si Eddie bilang ama ng aktres.

Facebook Comments