Kevin Spacey, humingi ng sorry sa kapwa aktor na si Anthony Rapp hinggil sa kinasangkutang sexual accusation

Showbiz – Humingi na ng tawad ang beteranong actor na si Kevin Spacey matapos na akusahan itong nanamantala noon sa kapwa actor na si Anthony Rapp.

Sa kaniyang social media account sinabi nito na maging siya ay nagulat sa nasabing akusasyon dahil hindi niya maalala ang naganap sa kaniya mahigit 30 taon na ang nakakalipas.

Nauna rito ibinunyag ng “Star Trek: Discovery” actor na si Anthony na siya ay minolestiya ni spacey noong 1986 habang silay ay nagtatanghal sa broadway shows.


Kuwento pa nito na habang nasa kuwarto ng hotel ay nilapitan siya ng lasing na actor at pinatungan siya nito kung saan agad naman siyang naka-alis.

Kasabay ng paghingi ng paumanhin, inamin ni Spacey sa publiko na siya ay isang bading.

Facebook Comments