Tatlong tindahan inararo ng Ford Ranger

Wasak ang tatlong maliliit na tindahan makaraang araruhin ng Ford Ranger kagabing pasado alas diyes ng gabi sa national hiway ng sinsuat avenue sa gilid lamang ng DXMY.
Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng TMU, mabilis umano ang takbo ng Ford Ranger na kulay pula mula sa direction ng Malagapas patungo ng esteros ng mawalan ng kontrol ang driver at dire-diretso sa rillings ng imburnal hanggang bumangga sa tatlong tindahan.
Maswerteng hindi napuruhan si Nelson Luwayon na nauntog lamang ang ulo at nabagsakan ng mga beer na natutulog na ng maganap ang aksidente.
Nangako naman ang may ari ng sasakyan na makipag tulungan sa inbestigasyon ng TMu at magbabayad ng pinsalang nasira.

Facebook Comments