KIDNAPER? | 3 lalaki na umano’y dumukot sa 10-anyos na babae, tinutugis na ng EPD

Manila, Philippines – Patuloy na tinutugis ng Eastern Police District ang tatlong suspect sa pagdukot sa isang sampung taong gulang na babae sa Mandaluyong City kahapon.

Base sa salaysay ng bata, pauwi na siya sa kanilang bahay nang biglang huminto sa tapat niya ang isang van.

Bumaba umano ang tatlong lalaki at pwersahan siyang isinakay sa sasakyan piniringan ang mga mata saka tinakpan ng panyo ang kanyang bibig at ilong hanggang sa mawalan siya ng malay.


Nang alisin ang takip sa mata, doon daw siya nakahanap ng tiyempo para tumakas.

Isa umano sa mga suspek ang nasaksak pa niya ng ballpen sa bago siya tumakbo.

Sa ngayon, blanko pa ang mga otoridad sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments