KIDNAPER | Dating pulis at 5 sundalo na sangkot sa pagdukot sa negosyanteng Pakistani, hinatulan ng habang buhay na pagkakakulong

100

Manila, Philippines – Hinatulan ng reclusion perpetua ng Makati Regional Trial Court ang isang dating pulis at limang sundalo dahil sa pagdukot noon sa negosyanteng Pakistani.

May 2007 nang dukutin ang biktimang si Tariq Mian kapalit ng P50 million pero naibaba ito sa P2 milyon.

Nailigtas si Mian matapos ang sampung araw at naaresto rin ang mga suspek na kinilalang si dating Senior Inspector Eleazar Seito at mga sundalong sina Jonathan Melgo, Ahmad Guimad, Luminog Guiapal, Jummel Tunal at Bernal Tumpeta.

Ayon naman kay Prosecutor Benjamin Vermug, kahit anim lang sa 11 suspek ang hinatulan, matuturing pa rin itong tagumpay.

Dahil dito, nagpasalamat ang pamilya ng biktima sa naging hatol ng korte laban sa mga suspek.

Facebook Comments